FREE BOOKS

Author's List




PREV.   NEXT  
|<   3   4   5   6   7   8   9   10   11   12   13   14   15   16   17   18   19   20   21   22   23   >>  
a abang kumasi't walang kasalanan kahit na ano man, kundi ang sa iyo'y lubos na isuyo ang iyong nalamang hindi man kinuro. Kung ang m~ga laguim at pagkahilahil siyang magdudulot sa iyo n~g saya iyo n~g sabihin at aking gagawin ang ano mang ibig na ipababata kahit ikaputi n~g aking hinin~ga. Pagkaraan n~g kanyang pagaawit ay tumanong. --Ano, anak ko ang naghatid sa iyo dito sa ilang na pook? --Oh! kagalang-galang na matanda--ang aking tugon--ang maling akalang aksayahin ang panahon sa paglilibang at ligaliguin ang nan~gatatahimik na hayop sa kanilang himpilan. --Ikaw baga'y nag-iisa? --Sa n~gayon po; pagka't ako'y napatiwalag sa aking m~ga kasamang hindi ko malaman kung saan nan~gapasuot. --Lubhang malayo ang iyong kinapatun~guhan. --Ano pong pook ito?--ang usisa ko sa kausap. --Ito ang lupalop na pinamagatang Ilang-ilang--ang tugon sa akin. --Ilang-ilang! ... Ano po ang kahulugan niyaon? --Ah! iyao'y isang buhay,--sumandaling nagkuro ang aking kausap at saka ipinatuloy--Yamang hindi ka rin makababalik sa kabayanan, samantalang hindi umuumaga, ay pakingan mong sumandali ang isasalaysay, kasabay nang anyayang magparaan kami n~g mapan~glaw na gabi sa kanyang kublihan. Nagkakaakbay kaming lumusong at hinawi ang nan~gan~gapal na talahiban, samantalang ang sisikdo sikdo kong puso ay nagbabalita sa akin n~g isang bagay na mahalaga. Sarisaring gunita ang sumaisip, balintulot yaring loob; n~gunit hindi ko magawa ang umurong pagkapalibhasa'y lalong ma pan~ganib ang matulog sa parang. Pagkalipas n~g paglusong namin sa madilim na yungib na kinamataan ko sa matanda, ay sinapit ang kanyang tahanan, doo'y guinanap ang kanyang pan~gakong ibuhay at ang binanguit na alamat ng Ilang-ilang ay sinimulan na. --Nalaman mo anak ko: Magbuhat nang ako'y gawaran n~g sumpa n~g Makapangyarihan, ay hindi na ako nagkapalad na makaulinig n~g tinig tao. Laguing guimiguiyaguis sa akin ang bigat n~g kahatulang iyaon sa nagawang kasalanan, sa hindi rin iba't tunay kong anak na pinag-isipan kong gahisin, n~guni't ang gayong napakahamak na gawa'y pinagdurusahan ko n~gayon n~g isang napakahirap na parusa, gaya n~g tinitiis kong pagkawalang kamatayan, o pamamalaguing mabuhay sa ganitong ligalig. --Paano po ang nangyari?--ang pahanga kong tanong. --Ako'y isang binata noon--ang tugon n~g aking kausap--na lubhang mawilihing paglibangan ang tanang binibini, at lagui
PREV.   NEXT  
|<   3   4   5   6   7   8   9   10   11   12   13   14   15   16   17   18   19   20   21   22   23   >>  



Top keywords:
kanyang
 

kausap

 

matanda

 

samantalang

 

kasalanan

 

Pagkalipas

 

paglusong

 
binibini
 

madilim

 
parang

matulog

 

tanang

 

paglibangan

 

guinanap

 

gakong

 
ibuhay
 

tahanan

 
ganitong
 

yungib

 

kinamataan


sinapit

 
lalong
 

pagkapalibhasa

 

nagbabalita

 

mahalaga

 

Sarisaring

 

talahiban

 
sisikdo
 

nangyari

 

gunita


magawa
 

umurong

 
ligalig
 

sumaisip

 

balintulot

 

yaring

 

binanguit

 

alamat

 

gayong

 

kamatayan


mawilihing

 

gahisin

 

isipan

 
pamamalaguing
 
napakahamak
 

napakahirap

 
parusa
 

binata

 

pinagdurusahan

 

lubhang