hindi magtamong pakinabang sa
halamang tinutukoy.
Bakit kaya siya pinasibol kung walang kapakinaban~gan?
Maraming pagsusumikap ang guinawa, upang huag n~g muling sumibol,
datapua't isang halamang hindi maagad n~g maglilinang pagkapalibhasa'y
walang pakinabang at isang himutok na inulit n~g m~ga nahuhuli ang sa
kanya'y iguinawad n~g m~ga nauna sa atin.
"_Halamang walang pakinabang, kailan ma'y di mamamatay_" at ang
himutok na tinukoy ay naguing sumpang iniukol n~g m~ga nahuhuli sa ano
mang bagay na walang maidulot na kapakinaban~gan.
Isa pang halamang lubhang nanghahaguay na may masagananang bun~ga, ang
hindi rin pakinaban~gan at siya namang pinag-uukyabitan n~g halamang
"ikmo".
Sa kasaganaan n~g bun~ga n~g halamang ito na, walang mapaggamitan, ay
hindi pinagkalooban n~g ano mang pan~galang pagkakakilanlan, gaya n~g
sa ibang bun~gang kahoy, yamang hindi rin lamang siya nagagamit,
at nan~gasyahan na ang nan~ga-una sa atin na pamagatan siya n~g
pan~galang: _Bunga_.
Ang lahat n~g nakilalang halamang bumubun~ga at nag-dudulot sa m~ga
tao n~g ano mang pakinabang, ay nagtamo n~g pan~galawang pan~galang o
pinakasaguisag na pagkakakilanlan; datapwa't ang halamang "bun~ga"
ay siyang napakatan~gi na hindi nagtamo n~g biyaya mabinyagan, at ang
kanyang puno ay pinamagatan na lamang n~g "bun~ga"
Lubhang maraming salin-saling kaugalian ang yumaon--ang idinugtong
n~g matanda--ang m~ga bagong sibul na batbat n~g katalinuhan, ay di
nan~gasiyahang siya'y panoorin na lamang at gamiting palamuti sa m~ga
kaparan~gan, hindi nayag na siya'y hindi magamit, at lahat n~g sikap
ay guinugol upang maangkapan n~g ikapakikinabang sa kaniya; n~guni't
ang kanyang tingtin~ging puno ay hindi maagpang sa ano mang paggamitan
dahil sa napakarupok, datapwa't isang kataon, (yamang n~ginan~ganlan
kataon ang m~ga bagay na nangyayari n~g hindi kinukusa, baga mang ang
lahat ng bagay ay nakatakda, na talagang mangyayari) ay isang tanghali
umano na ang isang taong hindi pa nakasasapit sa m~ga lupalop na yaon
at hindi pa nakakikilala sa dalawang halamang ating ibinubuhay (ang
=ikmo= at _bunga_), ay sinumpong n~g pagkadayukdok at walang
malamang sulin~gan n~g katutuklasan n~g ipagpapatid gutom.
Tinamaan n~g kanyang malas ang puno n~g halamang hitik na hitik n~g
mapupulang anaki'y hinog na bun~ga, at sa paniwalang makapagdudulot
sa kanyang kagutuman n~g malinamnam na pagkain, ay dagling pumitas at
linasa ang pinakalaman; subali't tan~gi sa isang matig
|