FREE BOOKS

Author's List




PREV.   NEXT  
|<   14   15   16   17   18   19   20   21   22   23   >>  
at isang matamis na pag-aawit ang kanilang naulinig na ganito ang badha: "Ano kaya yaong tinamaang malas na nan~gin~gibabaw sa tanang liwanag nagtaboy na bigla't humawi sa ulap na pinaglagusan n~g ningning at sinag at umaanyayang lubusang magalak yaring abang pusong sinupil n~g hirap?" "Siya kaya yaong maningning na Ilaw na pumapatnugot sa Sangkatauhan, panan~glaw sa gabi n~g nadidiliman at sa may pighati'y pang-aliw na tunay Badhang taga-turo n~g iisang daan sa m~ga alagad na nan~galiligaw?" "Oh kulang na kulang yaring pan~gun~gusap upang patunayan nakikitang sinag, ayo't nagniningning, anaki'y busilak sa ibabaw niyaong bunton buntong ulap, ayo't bawa't anyo ay isang pagliyag ang isinasaboy sa puso n~g lahat." "Siya yaong Pusong Kamahal mahalan na n~gayon ay ating kinahahan~gaan Siya ang dinusta at pinakapaslang n~g sibat n~g sala n~g Sangkatauhan, Siya ri't di iba ang kaguinhawahan at tunay na aliw n~g may kalumbayan." Dagli silang nagtindig at pinaghanap ang pinagbubuhatan n~g gayong kawiliwiling pag-aawit, at nang kanilang makita'y lubos napahan~ga pagka't dili iba kundi ang kaawaawang matandang kanilang pinaslang na biglang nawala sa kasukalan n~g gubat. Ito n~ga kaya ang sanhing pinagbuhatan n~g halamang tubo? ... =PAN~GARAP= (_Sa laguing pinagalayan n~g m~ga katha ko_.) I Sa galaw n~g tubig; gayon din sa himig na pabalik-balik sa lalim, at batong pinag saglit-saglit, doo'y namamasid n~g abang pag-big ang kagandahan mo sa linaw n~g batis. II Ang itim mong buhok lugay na nag-sabog sa maputing batok, ay siyang anag-ag sa batisa't ilog sa dakong pag-lubog n~g araw sa laot kung makaliglig na sa boong Sinukod. III At sa pan~gan~garap n~g sariling hagap, aking namamalas ang iyong larawang sipian n~g DILAG. Ampunan n~g lahat na m~ga bulaklak na niyuyurakan sa m~ga paglakad. IV Sa palad na aba kung guinugunita ang pagdaralita ay namamalas kong ikaw ay may awang iniaapula sa agos n~g luha n~g lunos kong buhay at pusong mahina. V N~guni't ... iPagkasawi! ... Ang abang ibinudhi'y hindi namalagui, Dagling binagabag, at ang pag mumuni'y kumalag sa tali, at itiniwali ang aba kong palad na inilugami. VI Biglang nasiwalat dini sa hinagap
PREV.   NEXT  
|<   14   15   16   17   18   19   20   21   22   23   >>  



Top keywords:
kanilang
 

yaring

 

kulang

 
pusong
 

Sangkatauhan

 

saglit

 

namamalas

 

siyang

 
batisa
 
maputing

dakong

 

pabalik

 

laguing

 

pinagalayan

 

batong

 

makaliglig

 

kagandahan

 

namamasid

 

Ampunan

 
iPagkasawi

ibinudhi
 

namalagui

 
mahina
 

Dagling

 

binagabag

 

Biglang

 

nasiwalat

 
hinagap
 
inilugami
 

mumuni


kumalag
 

itiniwali

 

larawang

 

sariling

 

Sinukod

 

sipian

 

pagdaralita

 

iniaapula

 

guinugunita

 

bulaklak


niyuyurakan

 

paglakad

 

makita

 
Badhang
 

iisang

 

pighati

 

nadidiliman

 

alagad

 

galiligaw

 

nagniningning