mit at
pakikinabang sa isang halamang sakdal han~galay, na gaya n~g "ikmo";
sa di kawasa ay lumapit sa akin at malugod na bumati ang isang
matanda, na tila tunay na kakilala kasabay n~g malugod na anyayang
magtuloy sa kalooban n~g kanilang bakuran.
Nang unang bugso, ay suma~gui sa aking loob ang isang malaking
alinlan~gan; n~guni't dagling napawi at nanagumpay ang mapiling amuki
na ako'y magtuloy.
Pagdating namin sa loob n~g halamanan ay dinatnang nakaluklok sa isang
papag-papagan ang isang binibining napakahinhin ang anyo, na marahil
ay siyang pinan~galin~gan n~g mapanglaw na pag-aawit na aking
kinahan~gaan.
Matalaghay ang kabuuan n~g kanyang maamong mukha; malamlam ang titig
kayumanguing kaligatan ang kulay, mahayap ang ilong at nakabibihag ang
maramot na n~giting nanasnaw sa kanyang guinumamelang labi.
Isang sulyap na panakaw at pagdaka'y binawi ang biglang tumudla sa
aking puso at n~g m~ga sandaling yaon ay kanyang binihag.
Tumalilis na biglang tinun~go ang halamanan pagkakita sa akin at
pagkua'y pumitas n~g ilang dahong "ikmo."
Di naglao't bumalik sa aming kinaroroonan, muling lumuklok at
mabihasang pinagpilas ang m~ga dahong taglay at pinirot na guinawang
"hitso."
Di ko sinawaang panoorin ang mahayap na m~ga daliri at tunay kong
kinahan~gaan, ang kainamang tumangap n~g panauhin, na, baga mang di
lubhang kilala, ay pinagkaabalahang kawan~gis n~g isang lalong matalik
na kaibigan; sa biglang sabi ang kaugaliang mag-alay n~g "hitso" ay
kanyang tinupad; n~guni't hindi ako marunong n~guman~ga; at sa nais
kong mapaunlakan ang kanyang pagkaka-ala-ala, ay kumuha ako n~g
kanyang malugod na iniaalay, kasabay n~g isang maguiliw na usisa
sa matanda na kung bakit natuklas, na ang bun~ga, iyaong mapakla at
walang saysay na bun~gang kahoy na di nagtamo n~g ano mang pamagat,
at ang "ikmo" na lubhang mahanglay, ay kung mapalahok sa nakapapasong
"apog" ay napag-ayaw, at ayon sa naguing hilig na kinaguisnan ay
siyang naguing panalubong panauhin.
Nang una, ay inakala kong ang pag-uusisa ay naaksaya at di ko batid
na ang itutugon sa akin ay lubhang mapakinabang at mandi'y
mapaniniwalaang iyaon n~ga marahil ang pinagbuhatan n~g "viciong"
n~guman~ga.
Isang ganap na kasaysayan ang kaniyang sinalita na uulitin ko n~gayon
ayon sa nalabi sa aking ala ala:
Anya'y nang m~ga unang dako, na ang pagn~gan~ga ay hindi pa
kilala; ang halamang =ikmo=, ay lubhang gumugubat, at sampuong
nan~gaglaboy na hayop sa kaparan~gan, ay
|