ng ang aking anak, pagkapalibhasa'y
di natatahong iyao'y sawi sa m~ga kautusan. Inanyayahan kong sumama
sa lihim n~g kahoy na ating pinan~galin~gan, na siya kong napiling
maguing saksi n~g kapaslan~gan kong kakamtin; anyayang hindi
sinalansang kahit bahagya at malugod pinaunlakan; n~guni't di
pinahintulutan n~g pagkakataon na maganap, ang aking aasalin at isang
malakas na buhawi'y binakli ang marupok na kahoy, na niyaong una,
ay di man lamang nagagamit sa ano mang kailangan n~g tao at siyang
humadlang na nagbigay wakas sa aking kaawa-awang anak.
Kapwa kami napatigalgal sa sumandalin iyaon at ipinatuloy n~g matanda
ang nauntol na ibinubuhay.
--Nang maganap ang malupit na hatol n~g pagkakataon akin nang
isinaysay pagdaka'y lumabas ang isang sugo n~g Makapangyarihan at
bumigkas n~g ganito:
"Di mo matutuklas ang kamatayan at mabubuhay kang tagapag alaga n~g
kahoy na iyang humadlang sa iyong karumaldumal na aasalin."
Lumipas ang ilang panahon at nang aking datnan ang kahoy na yaon
ay labis akona napahan~ga sa pagkakamalas na hitik na hitik n~g
mababan~gong sampaga at isang hibik ang mamutawi sa akin: "ILANG!
... ILANG! na naguing saksi n~g akin~g pagkalun~gi kailan mo ako
patatawarin?"--Muling lumabas ang isa~g sugo at ibinadha ang ganito:
_Kung kailan, may mapatungo ritong isang tao na mapagsalaysayan mo
ng guinanap na sala ay asahan mong pinatawad ka na ng Diyos_ at
biglang nawala ang angel na aking kausap at ang binanguit na taong
iyaon na aking pagkukumpisalan ay ikao at dili iba marahil na sugo
ring nang Maykapal, upang pahintulutan Niyang ako'y umakyat sa
kaloalhatian n~g lan~git.
Pagkaraan n~g m~ga salaysay na ito'y nawala ang aking kausap at nang
aking pinaghahanap, ako'y nagsising.
Ako pala'y nan~gan~garap lamang.
Ang hitso
Isang ugaling hanga n~gayon ay taglay n~g m~ga tagarito sa atin ang
ipanalubong sa m~ga panauhin ang n~gataing _hitso_.
Ang lahat n~g bagay ay maaaring malimutan; datapwa't ang alay na ito
na pinagkagawian na lalonglalo na sa m~ga lalawigan ay tunay na hindi
nakakalin~gantan, at naguiguing catungkulan na halos, ang maghanda, at
gumamit na man, lubha pa't kung ang mag-aalay ay isang binibini.
Dahil sa bagay na ito'y pinag-ukulan ko tuloy ng isang pagkakaabala
ang pagtunton kung bakit natuklas ang tatlong bagay na pinaglahok at
pinamagatang _hitso_.
Bakit ang _ikmo, bunga_ at _apog_ ay nagawang
pagsamasamahin, at nagagamit na pang-alay sa m~ga panauhin?
Ito ang
|