wa ang iyong sasapitin.
Pagkarin~gig n~g bihigkas na ito n~g nagtatapangtapan~gan tulisan
ay lumuhod pagdaka ang matanda at idinaing sa Lumikha ang kanyang
kalagayan; at pagkaraos n~g pananalan~gin ay nagtuluyan bumakli n~g
m~ga halamanang naroon at pinan~gos na sinipsip ang katas.
Pagkakita nito n~g m~ga tulisan ay nan~gagsitulad sa matanda at
nakipan~gos naman; datapwa't ang kanilang nalan~gap, ay ang di
masaysay na hanglay at sa kadahilanang ito'y inasod n~g palo ang
kagalanggalang na matanda hangang sa nalugmok sa m~ga nagkabalibaling
san~ga n~g halaman.
Sa gayong kahabag habag na anyo'y nagturing:
--iOh m~ga kulang palad! Darating ang panahon na inyong pagsisisihan
ang inasal na kaimbihan; pagka't sa inyong panunumbalik sa puok na ito
sakaling kayo'y magkapalad na tan~glawan ng pananampalataya sa ating
Mananakop, ay inyong mapagkikitang ang bawa't tilamsik n~g m~ga dugo
ko ay sisibulan n~g ganyan ding halaman; subali't ang bawa't dito'y
tumubo, ay magdudulot sa katauhan n~g isang malinamnam at matamis na
katas, na siyang katutuklasan n~g tanan, n~g isang mabisang pampawing
uhaw, pampatid gutom at sangkap sa ano mang kakailan~ganin n~g
katauhan, Pinaslang ninyo ang isang nahilig sa pagninilay n~g
mahalagang "PITONG WIKA" n~g ating MANANAKOP, nawa'y siya ninyong
laguing pakinaban~gan.
* * * * *
Nakaraan ang isang munting bahagui n~g panahon, ang pagkakataon ay
naguing tagapamag-itan upang ang apat na buhong ay muling mapabalik sa
kanilang pinagdausan n~g huling kalupitan at nang magunita nila an~g
m~ga huling binikas n~g napan~ganyayang matandang kanilang inumog,
ay dumanas sila n~g isang pagnanais na alamin kung tunay n~ga ang
kaniyang m~ga huling panambitan, at di nalaunan, ay su-matitig nila
ang mayayabong na halamang nagsisupling na pawang malulusog, matataba
at lubhang mayabong, at silang lahat ay di nakapiguil n~g gayong
bigkas:
iTumubo! ... Naganap ang kanyang huling tagubilin.
At sabay na nan~gagsibakli n~g naturang halaman at kanilang pinan~gos.
Isang malinamnam at matamis na katas ang kanilang nalasap, at
paulit-ulit na binigkas na-matamis ang _tubo_, na siyang
kaipala'y sumapit sa ating kapanahunan at ang salitang iyaon
na niyaong una'y pinalalawig upang ang maguing kahulugan ay
_supling_, n~gayo'y bigla na kung bigkasin at nakikilala sa
pan~galang tubo.
Bilang pasasalamat ay isang mataos na dalan~gin ang kanilang
pinailanlang sa kalawakan n~g hiwaga
|