hindi abutin n~g aking pag-hahaka at siya namang
pinagpumilitang, kahit banaag ay matuklas ang sanhi, at sa matiyagang
katatanong sa m~ga palan~gan~ga, ay nahalaw ko ang ibubuhay n~gayon;
n~guni't totoo kaya ang sinalita sa akin?
Sa ano ma'y tahoin natin.
Isang hapon sa nais kong sumagap n~g malamig na simoy na nakaaanya sa
m~ga naaalinsan~ganan, ay nilisan kong sumandali ang lubhang maraming
gawain at tinun~gong sumandali ang kalapit na nayon n~g Pasay, na
siyang nababalitang may malalawak na "ikmuhan."
Dalawang bagay ang nais kong maganap sa isang kilos, at ito n~ga'y
ang makasagap n~g malamig na simoy at mapanood naman ang maayos
napagkakatanim n~g halamang "ikmo," na, halos maituturing ayon sa
kabalitaan, na ang bayang iyaon ay siyang sinisibulan n~g pinakabuting
"ikmo" na pinagkakabalahan kong alamin; n~gun't di lamang iyaon ang
napala n~g aking paglilibang at hindi ko man kinukusa ay nakaulinig
ako ng isang nakalalaguim na pag-aawit na nagbubuhat sa isang masukal
na bulaos na nakakalun~gan n~g makapal na gubat n~g "ikmo."
Tumiguil akong sandali at pinalad namang masapol buhat sa simula ang
talaytay n~g _kundimang_ ganito ang hanay;
Malasin guiliw ko ang daloy n~g tubig
na nagki-kinan~gan sa galaw n~g batis,
malasin ang bula sa pamimilansik
at iyong itulad
sa iyong paglin~gap,
at kung yaon n~ga ang siyang kawan~gis
dagling kamataya'y akin masasapit.
Gayon din masdan mong napa iitaas
ang maputing asong naglalakbay ulap,
siya't pan~ganorin iisa sa malas;
yaon ba'y kawan~gis
n~g iyong pag~ibig?
Kung tunay na gayon, akin n~g talastas
na ang pag-ibig mo'y madaling man~gupas.
* * * * *
Ang paro't parito n~g simoy n~g hangin,
nakapagdudulot n~g lamig at aliw
datapwa't kung gayon ang iyong pag-guiliw,
ay lubos katulad
n~g isang pag-hamak
at wala na akong hihintay hintaying
matapat sumintang hantun~gan n~g daing.
* * * * *
Lubos akong nasiyahan sa kataong iyaon, at n~g matapos ang mapan~glaw
na pag-aawit ay pinapaglakbay ko ang isipan sa kalawakan n~g m~ga
hiwaga, hinahalaw doon sa tanang malikmata, ang isang kagandahang
mapag-uukulan n~g matimyas na tin~gig na aking napakingan.
Pagkalipas n~g ilang sandali, ay sumatitig ko na naman ang nagdidilim
na "ikmuhan" at nanariwang muli ang sanhing ikinapatun~go ko roon,
ang dati ring nais na matalos ang pinagbuhatan n~g pagga
|