raw n~g uhaw at
gutom, ang pinagpalang _hitso_.
Sa lahat n~g iyaon, at sa pan~gan~ga-nib kong ako'y kayamutan ay
napaalam na, at nan~gakong muling babalik.
Samantalang binabagtas ko ang ikmuhan ay muli kong naulinig ang
mapan~glaw na pag-aawit na bumihag sa aking puso.
Sino kaya ang pinag-uukulan niya n~g m~ga panambitang iyaon?
Siya kaya'y may katipang tumatakuil sa m~ga ipinangako?
Ito ang bumabagabag sa aking sarili nang papauwi na sa bahay at siyang
umaanyayang muli siyang sadyain; n~guni't lubos na nagpasakit ang
mabisang panibugho sa kanyang pinag-uukulan at siyang sanhi n~g di ko
na muling idinalaw.
Oh! sabay kong natuklas ang pag-ibig at ang HITSO.
=HIMIG N~G PIGHATI=[2]
_Hinihiling sa aking kasayaha'y tulain_.
Saan man ibaling yaring pag-iisip
nakikita'y luha at m~ga pasakit
kahit sa sariling buhay na tahimik
gayon din sa Bayang pinakaiibig
ay walang lumual sa kudyaping tin~gig
liban na sa lungkot at m~ga ligalig.
* * * * *
Sa Bayan ang malas kung aking itanaw
ang nan~gakikita'y pawang kapan~glawan,
magkabi-kabila'y ang pag-iirin~gan
na inihahasik n~g buhing makamkam at
nan~gagnanais tanghali't igalang
kahit na mahamak ang sariling Bayan.
* * * * *
Sa kabila noon ay bilang pamana
na kanilang alay sa Bayan at Ina,
ay ang pang-aapi at pag-alimura;
ang gayo'y kung aking mapag ala-ala
tinis n~g kudyapi ay n~gan~gapa-n~gapa
at ayaw magbigay n~g lugod at saya.
At paghamak lamang, pagsumpa't pag-ayop
daing n~g hinagpis ang itinitibok
nalilimot tuloy ang ugaling bantog
na mahinhi't wagas n~g lahing Tagalog,
dahil sa iilang asal na sumalot
n~g sariling yaman hindi man inimpok.
* * * * *
Ano kaya n~gayon ang aking gagawin
sa iyong napitang ako'y paawitin
guinaganap ko man n~g boong pag-guiliw
ay ang lumuluwal na tinis ay daing
at hindi pumulas ang mithi mong hiling...
kasayaha'y nanaw sa aking damdamin.
Pagtamanan mo na ang taghoy n~g puso
kahit napipigta sa luhang tumulo,
pagka't ang ligaya ay hindi makurong
kusang magwawagui sa madlang siphayo,
na nan~gin~gibabaw sa puring nag-laho,
sa puring salantang, lugami at hapo.
* * * * *
Nakasunod kaya sa hin~gi mo't pita
ang anak na busong sabik sa ligaya?
Hindi man nasiyahan sapagka't di kaya
ang daliting n~gayon ang iyong ligaya
ay lubos tangapin n~g boong pag sinta:
|