wala namang ibang
magawa.
Sa di kawasa'y nakasalubong sila n~g isang matandang lalaki na
sa kanyang anyo, ay tila may isang malaking katan~gian at mandi'y
umaanyayang siya'y pakagalan~gin, datapwa't ang sibul na marun~gis na
budhing taglay n~g apat na tinutugaygayan natin, ay siyang nanaig, at
inakalang pagliban~gan~g uruyin ang kagalang-galang na matanda.
Ang isa sa kanila ay siyang unang umaglahi.
--Matandang hukluban, saan ka paro-roon sa ganitong kainitan?--ang
pang-unang tanong.
--Ang dugo nito ang ating inumin--ang saad n~g pan~galawa--Kasabay
nang bunot n~g itak sa sukbitan na biglang iniyamba.
--Antabayanan muna nating siya'y tumugon, bago ganapin ang nais--ang
salo n~g pan~gatlo.
--Magsalita ka--ang pakli n~g pang-apat.
--Aking hinahanap--anang matanda--ang panig na aking tinutuklasan n~g
pampawing uhaw.
Sa tuwing hapon--ang dugtong--kung sumasapit ang ikatlong oras ay
pinagkakalooban ako n~g Makapangyarihan na makasimsim n~g pampawing
uhaw.
--At saan ka naman kukuha n~g maiinom sa kadawagang ito, na kinaigahan
n~g tubig at kinaitan n~g kanyang balong?
--Tingnan natin at tila ito ang makapag-aalay n~g ating kailan~gang di
matuklas--ang anas n~g isa sa kanyang kasama.
--Kung ang pagkakatiwala sa kanya'y ating ilalagay ay matitira tayo sa
isang kabiguan--ang paan~gil na tugon.
--Narito--anang matanda--ang lagui kong iniinom kung dumarating ang
oras na aking sinambit.
--Dito'y walang batisan...
--Hindi ko kailan~gan ang makikinang na daloy n~g batis, upang ipamawi
n~g kauhawan; sa aki'y sukat ang m~ga halamang inyong namamalas,
pagka't sa kanya'y nananamnam ko ang matamis at masaganang katas, sa
m~ga oras na ang Sumakop sa tanan, ay nagsabing "AKO'Y NAUUHAW", sa
kanyang Pitong Wika, bago naglakbay sa kalowalhatian n~g Lan~git at
tinalikdan ang pagkatao.
--Tila ito'y may nais magpalaganap dito n~g m~ga katakata niyaong m~ga
mapagsampalataya n~g kung ano anong kadayaan.
--Ang taong ito'y tila tayo ang pag-lalaruan--ang sabad n~g isa.
--May orasan ba kayong taglay--ang malumanay na usisa ng matandang
inaaglahi.
--Ang orasan namin ay anyo n~g araw na lumiliglig sa boong Tinakpan.
--?Ano na kayang bahagui ang ating kinalalagyan?
--Tayo'y nasa ikatatlo na n~g tanghali; yaong oras na inaantabayanan
mo upang numamnam n~g pinakananais naming pampawing uhaw ... Hayo
ipakita mo sa amin ang pagsipsip n~g katas n~g halamang iyong sinambit
at kapagkayao'y aglahi lamang ay kaawa-a
|