FREE BOOKS

Author's List




PREV.   NEXT  
|<   4   5   6   7   8   9   10   11   12   13   14   15   16   17   18   19   20   21   22   23   >>  
kong minamatwid kan~gino man na hindi ano mang kapanagutan sa m~ga ipinasyang "_Mabuhay kayo at dumami_." ang auking m~ga guinawa. Sa di kawasa'y nagkaroon ako n~g isang anak na napakagandang babayi at sa pag-aakala kong iligtas sa m~ga hibo n~g mundo, kung siya'y magkaisip, gayon din sakawikaang, _baka pagbayad_, ay dinala ko n~ga rito sa masukal na ilang, magbuhat pa sa pagkasangol at n~g huwag n~g makilala ang katauhan at maiwasan naman ang laguing pagkapahamak na sinasapit n~g m~ga walang malay. Ang pan~gan~galaga sa kanya'y ikinatiwala ko sa isang matandang babaying pipi, upang huag niyang makilala ang m~ga hiwaga sa buhay, ang lihim n~g tao, gayon din ang kanyang pinangalin~gan. Sa tuwi tuwi na'y dinadalhan ko n~g ikabubuhay; n~guni't hindi ako na pakikita, upang huag magkapanahong ako'y usisain n~g ano man. Sa di kawasay nang maglalabing tatlong taon sa gayong pagkakatago ay tinamaan ako n~g kanyang m~ga titig at pumanaw sa akin ang damdaming ama. Nabihag ang mawilihin kong hilig na mangibig kan~gino man, na makapag-aalay sa akin n~g pampawi n~g lagui kong uhaw na han~gad, at ito ang nag-wagui sa aking puso. Hindi na ako lumusong sa kabayanan; ang kanyang kagandahan ay bumihag sa akin, at lubhang sumasal ang paghahan~gad kong putihin ang impok niyang ganda na hindi ko nakita sa boong pinagdaanan sa buhay. Lumipas ang ilang sandali n~g alinlan~gang itaguyod ang napakahamak kong hinan~gad at naghari din sa akin ang dating iminamatwid na, "_tayo'y galing sa magkakapatid mag-aama, at magkakamag-anak_" at pinapaghari ko ang kanyang pagkahan~gal na di ipinahihiwatig ang katotohanan n~g aming pagkamag-ama. Siya naman, pagkapalibhasa'y hindi nagkapalad makaulinig n~g tin~gig n~g kanyang kapwa, ay lubhang na aliw sa aking m~ga pangungusap, lalo na n~g maulinig ang matamis na inaawit n~g kanyang ina na napaukit sa aking budhi at siya namang lagui kong inuulit, ay ginawaran ako n~g mahinhing lambing inilin~gay ang kanyang ulo sa aking balikat at lalong naghapdi ang sugat n~g aking puso at sumasal ang aking masamang han~gad. --Ano pong awit iyaon? Iyaon pu bagang naulinig ko kan~gina. --Oo; yaon n~ga at inulit ang magandang kundiman. Pagkatapos ay ipinatuloy ang pagbubuhay. Dumating ang mapan~ganib na sandali at gumiyaguis na nag-ulol sa akin ang hibo ni Satanas, at inakala ko nang ganapin ang maru~gis na isinabudhi, datapwa't nang isasagawa ko na, ay di naman nagkaroon n~g bahagya man lamang na pagsalansa
PREV.   NEXT  
|<   4   5   6   7   8   9   10   11   12   13   14   15   16   17   18   19   20   21   22   23   >>  



Top keywords:
kanyang
 

niyang

 

makilala

 

nagkaroon

 

lubhang

 

sumasal

 

sandali

 
pangungusap
 

naghari

 
napakahamak

alinlan

 

matamis

 

inaawit

 

maulinig

 

itaguyod

 
magkakamag
 

iminamatwid

 
pinapaghari
 

galing

 

napaukit


magkakapatid

 
pagkahan
 

pagkapalibhasa

 

nagkapalad

 

dating

 

pagkamag

 

ipinahihiwatig

 
katotohanan
 

makaulinig

 

Dumating


gumiyaguis
 

pagbubuhay

 
ipinatuloy
 

inulit

 

magandang

 

kundiman

 

Pagkatapos

 

Satanas

 

isasagawa

 

bahagya


lamang

 

pagsalansa

 

datapwa

 
isinabudhi
 
inakala
 

ganapin

 
balikat
 

lalong

 

inilin

 

lambing