"HIMIG NG PIGHATING" larawan ng dusa ...
=Ang Tubo=
Ang m~ga alamat kung minsan ay tunay na salat sa katotohanan;
datapuwa't lubhang kailan~gang buhayin ang m~ga salinsaling balita
yamang ang karamihan n~g ating pinaniniwalaan ay badha niyaon, at n~g
m~ga pangyayari; kaya't ang sasalaysayin n~gayon ay tunay na hindi ko
na malaman kung saan ko narin~gig o kung sa aling kasaysayan ko nabasa
bagamang sariwang sariwa sa aking ala-ala ang pagkakapangyayari.
Katanghalian daw noon n~g buan n~g Marzo, mainit na lubha ang
daloy n~g m~ga sinag n~g araw, kaya't ang kaalinsan~ganan, ay
di magpatiwasay sa madla, lalong lalo na doon sa m~ga pangkating
pinag-uusig n~g m~ga batas, doon sa nan~gabubuhay sa pamamag-itan
n~g pawis n~g iba at walang bilang himpilan kungdi ang madadawag at
masukal na yun~gib sa kaparan~gan; doon sa lupalop na pan~gublihan
man ay wala, at paubayang pinasasaksihan sa tumutunghay na lan~git ang
tanang kabuhun~gan kanilang lagui nang ikinaaaliw.
Sa panig n~g sansinukob na pinangyarihan n~g buhay na ito, ay wala
niyaong mayayabong na halamang karaniwang sumibol sa m~ga kabundukan,
na nagkakandili sa tanang magnais na sa kanya'y man~ganlong, doo'y
wala n~ga, iyaong malalabay na san~ga n~g nan~gag-lalakihang punong
kahoy na naggagawad sa madla n~g malalamig na lilim kung katanghalian,
at tan~gi sa ilang halamang gumugubat na kawangki n~g palasan ay wala
n~g iba pang sumisibol. Ang halamang ito'y mabulo ang pinakakatawan
matatalim at nakasusugat ang kanyang m~ga dahon, at walang munti
mang maituturing na pakinabang sa kanya; ang sino mang mapasagui,
ay dumadanas n~g isang di magpatahimik na kakatihan kawangki n~g
tinatawag nating NALILIPA.
Umano'y sa m~ga kadawagang iyaon nan~gun~gubli ang m~ga may malalaking
sagutin sa pamahalaan, pagka't doo'y hindi nakasasapit ang lalong
masigasig na kagawad. Apat kataong nagkaisa n~g ugali, at nan~gasawing
mamuhay sa pamamag-itan n~g panghaharang, ang kasalukuyang
tumatalaktak sa matutulis at nakakapasong batong maliliit na
nan~gag-sambulat sa m~ga landasin; ang mainit na simoy n~g
katanghalian ay tumutupok sa kanilang m~ga noo at nagparamdam n~g
malaking kauhawan; datapwa't ang kanugnog na yaon n~g m~ga lupalop
na di sinasapit n~g may matahimik na kabuhayan, ay di sinibulan n~g
tubig; doo'y walang m~ga bukal, walang batisan, at walang ano mang
pampawing uhaw na matutuklas; kaya't ang pagn~gan~galit ay siyang
pinagbubuntuhan, kaayaw n~g pakikiayon, yamang
|