FREE BOOKS

Author's List




PREV.   NEXT  
|<   2   3   4   5   6   7   8   9   10   11   12   13   14   15   16   17   18   19   20   21   22   23   24   25   26  
27   28   29   30   >>  
bitayan, sa pagsintang lubos sa tinubuang bayan. Sila't hindi iba m~ga sacsing tapat, unang "monumento" ng pagpapahamac niyong m~ga fraile sa cainguitang caguiat n~g dunong at yaman tubong Filipinas. Sila namang tunay ang unang larauan na dapat tularan nating calahatan sa pag-uusig n~ga n~g caguinhauahan nitong ating bayang lagui sa ligamgam. Caya ang marapat, oh m~ga capatid: silang m~ga "Martir" alalahaning tiquis, huag lilimutin laguing isa-isip alang-alang baga sa m~ga sinapit. Gayon din naman sa cailan pa man dapat casuclaman ... m~ga fraileng tanan na nagcucunuari "Ministrong" maran~gal "n~g Dios na Poon", bago'y m~ga hunghang. Caya ang mabuti ay tularang lubos m~ga halimbaua ni na Padre Burgos, Gomez at Zamora na pauang tagalog sa tinubuang bayan marunong umirog. Sa baua't may nasang ibig na bumatid n~g canilang buhay tunay na sinapit basahing tuluyan pagtiagaang tiquis cusang ipatuloy itong natititic. Bahala na sana inyong camahalan mag lapat nang ganap sa labis at culang sa baua't talatang inyong matagpuan uari'y nalilihis doon sa catuiran. N~guni't ang samo co bago mo punahin ang lihis sa uari, maiguing linin~gin maca ca sacali naman na malinsil sa daang casamaan malagos na tambing. Cung magcacagayon ang pasasalamat sa camahalan mo aquing iguinagauad at mag-utos naman sa lahat nang oras sa laang capatid na casuyong tapat. =Honorio Lopez.= =ANG TUNAY NA BUHAY NI Dr. JOSE BURGOS, Pbro.= AT NANG MAN~GA CASAMA. PUNO NANG SALITA Sa bayan n~g Vigan daraquilang ciudad Fernandinang sacdal sagana sa galac sa buong Iloco na ualang catulad doon naguing tauo si Burgos na hayag. Taong isang libo ualong daang tunay apat na puo't dalua siyang cabilan~gan nang siya'y ianac nang inang hinirang may tacot sa Dios, mabuting magmahal. Siya'y na-uucol sa isang "familia" na iguinagalang natatan~gi baga sa buting ugali at gauang maganda sa ciudad na yaong mayaman sa saya. Mulang camusmusan nitong ating Burgos sa bait na taglay uala nang aayos gayon din sa talas nang isip na impoc, caya't maaga siyang pinaturuang lubos. Hindi nalaunan caniyang pag-aaral naisipan n~gani nang m~ga magulang dito sa Maynila iluas na tunay upang pag-aralin sa San Juan de Letran. Caya iniluas itinuloy muna sa bahay nang canyang t
PREV.   NEXT  
|<   2   3   4   5   6   7   8   9   10   11   12   13   14   15   16   17   18   19   20   21   22   23   24   25   26  
27   28   29   30   >>  



Top keywords:

Burgos

 
tiquis
 

capatid

 

sinapit

 

ciudad

 

siyang

 
nitong
 
inyong
 

camahalan

 
tinubuang

catulad

 

naguing

 

sagana

 

ualang

 

bitayan

 

cabilan

 

pagsintang

 

ualong

 
sacdal
 

daraquilang


Honorio

 

casuyong

 

SALITA

 

CASAMA

 
BURGOS
 

Fernandinang

 
hinirang
 

naisipan

 

magulang

 
caniyang

nalaunan

 

pinaturuang

 

Maynila

 

itinuloy

 

iniluas

 

canyang

 
Letran
 

aralin

 

iguinagalang

 

familia


natatan

 

buting

 

mabuting

 

magmahal

 
gauang
 
taglay
 

camusmusan

 

Mulang

 
maganda
 

mayaman