gos
baga ma't Diacono ay quinamtang lubos
palibhasa dising naasa sa Dios
matalinong lubha maganda ang loob.
Maca ilang buan ay quinamtang cagyat
pagca licenciado sa bunying "faculcad"
niyaong filosofia sa gayong capahat,
gayong pag-aaral na lubhang mahirap.
Hindi nacaraan ang malaong arao
nahalal na muli siya, i, maguing "fiscal"
sa "juzgadong" sacdal "eclesiasticong" hirang
at sa "ceremonias" ay "maestro" din naman.
Ito ay caloob nang daquilang Rector
sa Sto. Tomas n~ga, mula sa di gayong
carunun~gan niya na ualang caucol
na napagquiquita nang tanang naroon.
Nang ito'y matamo dito na nagcamit
nang dan~gal na lalong ualang cahulilip
caya ang bala na n~ga nagalang na tiquis
baga ma't matanda't caniyang cauan~gis.
Ang boong Maynila dito na nagtaca
sa dunong na in~gat ualang macapara
nitong ating Burgos na caaya-aya
pati n~g ugali at loob na dala.
Di pa nagluluat ang panahong ito
n~g caniyang pagtangap ng lahat n~g "grado",
ano't nagcataon sa Espanang reino
nagcaron n~g isang malaqui n~gang gulo.
Ito'y noong taong isang libong ganap
ualong daan anim na puo't ualong singcad
buan n~g Septiembre sa istoriang saad
n~g ito'y mangyari caguluhang cagyat.
Dalauang binata ang naguing pan~gulo
na taga Maynila, Manuel at Antonio
Regidor ang n~galan sa nangyaring gulo
sa bayang Espana niyaong unang daco.
Caguluhang ito ay ualang ano man,
na hindi n~ga gulo n~g pagpapatayan,
cung di isa lamang na pag-uusapan
n~g Fraile't Tagalog sa Gobiernong mahal.
Pagtatalong ito ay di nai-iba
cung di yaong gusto nito n~gang dalaua
ang magcaron dito mabuting reforma
n~g pamamahala tayong lahat baga.
Ang tanang clerigo, ang dapat n~ga lamang
mag cura sa lahat m~ga bayan bayan
nitong Filipinas, at magcaron naman
n~g representacion de Cortes ang n~galan.
At cusang baguhin, pag-ayusing cagyat
ang escuelang bayan at colegiong lahat,
at ito'y ibigay ang siyang marapat
sa Paring tagalog tubong Filipinas.
Ang gayong usapin ay lumaquing tunay
ang lahat nang Fraile'y pauang naguluhan,
caya't napilitang sila ay naghalal
n~g Procuradores na Fraile rin naman.
Si Fray Jose Checa at Fray Joaquin Coria
ang naguing defensor taga usig baga
ng usaping ito sa dalaua'y habla
na taga Maynila sa baya'y may sinta.
Sa lahat n~g "diario" ang usaping ito
sa Corte n~g Madrid
|