api nang man~ga calamas.
Baquit quinulang pa nang polvora't bala
lalong cailan~gan sa paquiquibaca
caya di mangyaring tumagal pa sila
sa paghihimagsic nilang lahat baga.
Utos ni Espinar dito na sinunod
militar ma't hindi ay cusang tinapos
sargento Lamadrid at si Montesinos
siyang unang unang namatay na lubos.
Yaong si Morquecho ang quinana naman
nang caniyang maquita na uala nang daan
nirevolver niya caniyang palipisan
sa nasang matapos ang in~gat na buhay.
Dapoua't di nangyaring namatay na tiquis
cung di nang icatlong arao nang sumapit
siyang pagcatapos nang buhay na quipquip
nitong si Morquecho na aquing sinambit.
Lahat nang naculong na di nacalabas
sa muog nang Tan~guay ay pauang nautas
parang hinocoman ang nacacatulad
canilang sinapit gayong paglalamas.
Ang iba'y sa tacot sa dagat nagtalon
nasang mailigtas ang buhay sa lan~goy
n~guni't nahuli rin nang canonero roon
cusang nagtatanod na ualang caucol.
Ang ibang nagtago at hindi gumalao
sa sariling bahay tinacas na tanan
at pinagbabaril yaong iba naman
dito sa Maynila ay dinalang tunay.
Hindi n~ga nalao't binitay na cagyat
nang icadalauang puo't isa ang saad
nang buang Enero't ualang nacaligtas
ni isa man lamang sa canilang lahat.
Tanang man~ga presong cusang nagdudusa
doon sa Arcenal di nacalabas baga
sa paghihimagsic ay biglang dinala
cusang dinestierro doon sa Paragua.
Ang fraileng si Rufian na umaquit dito
sa nan~gapahamac doon sa Castillo
nang magcagulo na'y nagtagong totoo
ang toua'y malaqui na di mamagcano.
Pagca't inacala'y cusang masusunod
ang bumucong nais nang capua balaquiot
fraileng solopica caisa nang suot
na maipabitay ang ating si Burgos.
Caya nang maquita at siya'y matuclas
nang capua castila inalpasang agad
pagca't quinatuiran siya rao'y nalalabas
sa alsahang yaon nang nan~gapahamac.
Dito sa Maynila ay hindi nagtagal
sa Reinong Espana'y omoui pagcuan
sapagca't inisip maca pa macunan
niyaong _declaracion_ gayong caguluhan.
Sa nangyaring ito ang lahat nang fraile
pauang nan~gagalac hindi mapacali
at cusang nilacad lihim sa sarili
si P. Burgos n~ga'y cusang ipaputi.
Ugali't salita caguluhang ito
ipagpatuloy co sa man~ga marino
na nasa Arcenal nang matanto ito
dito nagsilaban nang di mamagcano.
Halos patay na n~ga nagsisilaban pa
sa man~ga casti
|