FREE BOOKS

Author's List




PREV.   NEXT  
|<   21   22   23   24   25   26   27   28   29   30   >>  
at isang oficial saca isang cabo at may m~ga hauac isang crucifijo. Nang sila'y dumating sa laang bitayan sila'y inahinto saca binasahan nang bunying sentenciang sila'y mamamatay cusang bibitayin sa salang quinamtan. Matapos mabasa ang sentenciang titic ang nadayang Zaldua unang ipinanhic doon sa bitayan at inaupong tiquis saca yaong liig ay cusang inipit. Si Padre Zamora ang siyang sumunod si Padre Gomez naman ang icatlong puspos na cusang tumutol hangang sa matapos ang hinin~gang ibig sa m~ga balaquiot. Bilang na icapat at huling binitay ay si Doctor Burgos na di nagulat man nagturing sa harap nang caniyang calaban aniya; _iMiserables!_ cayong fraileng tanan. Saca nang maupo sa uupang cagyat tumin~gin sa lan~git sa Dios tumauag _iPoon co, Ina co, caloloua co'y tangap nang camahalan mo't ito'y di co tatap!_ Nang masabi ito panaho'y nagdilim at parang naglucsa ang lan~git na tabing sucat isang sinag sa Arao na ningning ang siyang tumitig sa apat na MARTIR. Ang tanang nanood na m~ga tagalog pauang lumuluha sa quinamtang lungcot caya ang iba n~ga naglucsang tibobos bilang na pagdamay sa m~ga natapos. Nang ito'y mangyari ay nagsi-ouing lahat yaong m~ga fraile masaya't magalac baga ma't ang sindac sa dibdib namugad hindi ini-ino niyaong man~ga sucab. Di naman nalaon ang apat na bangcay nitong ualang palad ay quinuhang tunay nang carro funebre nang bunying Hospital ni San Juan de Dios cusang nalalaan. Saca n~ga dinala tunay inihatid niyaong sa Hermandad Misericordiang tiquis sa Pacong libin~gan cusang nalilibid nang Caballeria't sundalong maquisig. Hangang nilalacad nagsunod-sunoran ang maraming tauo hangang sa libin~gan at ualang usapan na bulong-bulon~gan cundi ang sa fraile na man~ga casaman. Sucat hangang dito ititiguil co na itong pag-aauit nang aba cong _Musa_ yamang natanto na guilio cong nanasa ang abang sinapit nitong apat baga. Ang hiling co lamang huag lilimutin sa cailan pa man ualang pagmamalio n~g m~ga KAPATID abang m~ga MARTIR sa tinubuang lupa (PATRIANG) guiniguilio. At cung mangyayari atin pang alayan sa taon-taon n~ga isang capistahan bilang pa ala-ala sa canilang tanan touing 28 N~G FEBRERONG buan. Para baga naman ating guinagaua cung cusang nadating arao na mistula n~g _pagcacabaril_ sa MAPAGPALAYA nit
PREV.   NEXT  
|<   21   22   23   24   25   26   27   28   29   30   >>  



Top keywords:

cusang

 
ualang
 

hangang

 

tiquis

 

MARTIR

 

siyang

 
bunying
 
sentenciang
 

niyaong

 
fraile

bitayan

 

nitong

 

bilang

 

nalilibid

 

Caballeria

 

sundalong

 

nilalacad

 

usapan

 
maraming
 

sunoran


Hangang

 

nagsunod

 

maquisig

 

bangcay

 
quinuhang
 

nalaon

 
funebre
 

Hospital

 

dinala

 
inihatid

Hermandad

 

Misericordiang

 

nalalaan

 

bulong

 

Pacong

 

natanto

 
canilang
 

capistahan

 

touing

 

alayan


guiniguilio

 

mangyayari

 

FEBRERONG

 

mistula

 
pagcacabaril
 
MAPAGPALAYA
 

nadating

 

guinagaua

 
PATRIANG
 

yamang