FREE BOOKS

Author's List




PREV.   NEXT  
|<   11   12   13   14   15   16   17   18   19   20   21   22   23   24   25   26   27   28   29   30   >>  
bahan dito nang man~ga castila sa silan~ganang daco. At sinabi pa niyang ipinagmatigas sa lahat nang fraile cun ang caniyang han~gad ay hindi susundin arao'y di lilipas sila'y pasasacop sa ingles na cagyat. Caya ang nangyari lumagda pagcuan nang isang "escrito't" inihaying tunay sa Ministrong hayag nang bunying Ultramar sa reinong Espana na cabalitaan. N~guni't bago ito ipinadalang lubos cay Izquierdong hirang general na bantog ay nuhang sanguni't bilang pahintulot nang huag masinsay sa catouirang puspos. Ang escritong ito'y pinaayunan niya at pinapirmahan bago ipinadala cay Padre Mendoza[5] Lasa[6] at Sevilla[7] Danda't[8] del Rosario[9] Guevara't[10] Zamora[11]. Napisang parito sina Desiderio,[12] Hilario del Pilar, Gainsa't Gimeno[13] Roxas,[14] Regidor,[15] Ramirez[16] parito Caldero't[17] Esquivel[18] iba pang totoo. Gaya ni na Tisca[19] at sina de la Rosa[20] Acuelle[21] at Agustin[22] pauang nagsipirma sa escritong yaon cusang pinadala sa Corte nang Madrid nang caracaraca. Parang naligalig fraileng calahatan sa nangyaring itong man~ga caisipan nitong Burgos natin caya silang tanan sinilaban n~gani niyaong cagalitan. Dito na isinumpa nag-isip nang cagyat na paghigantihan, caya silang lahat cusang nagpupulong halos oras-oras cung anong magaling nang ito'y maampat. Lalong-lalo na n~ga fraileng recoleto at ang dominico siyang gulong-gulo dito sa nangyaring hindi mamagcano caya silang tunay ang mausig dito. Caya niyaong minsang sila ay magjunta Prior sa convento nang Recoletos baga sa bayan nang Tan~guay na ang n~galang dala Fray Mariano Gomez dito naquisama. At gayon din naman ang castilang uldog Fray Antonio Rufian orden S. Juan de Dios ay nacasama rin at silang tibobos nan~gacong gagauang higanti cay Burgos. Sa pan~gacong ito dito nan~gagalac ang lahat n~g fraileng may galit na in~gat sa cay Dr. Jose at maipahahamac nang dalauang ito na magcapua oslac. Hindi na naglicat nang magcahiualay itong man~ga fraile na aquing sinaysay mabuting paraan mapapatay lamang ang naguing catotong quinagagalitan. Caya ang na-isip nitong si Fray Gomez si Miguel Zaldua[23] at ang casing ibig cusang hinicayat na sulsulang pilit tanang sa Arcenal jornalerong tiquis. Upang silang tanang tumutol na cagyat sa upahang dati cung hindi itaas at
PREV.   NEXT  
|<   11   12   13   14   15   16   17   18   19   20   21   22   23   24   25   26   27   28   29   30   >>  



Top keywords:

silang

 
cagyat
 

fraileng

 

cusang

 

nangyaring

 

escritong

 
gacong
 
niyaong
 

Burgos

 
nitong

parito

 

tanang

 

fraile

 

dominico

 

siyang

 

gulong

 

maampat

 

mamagcano

 
recoleto
 

Lalong


mausig

 

hinicayat

 

Recoletos

 

minsang

 
magjunta
 

convento

 
magaling
 

sulsulang

 

tiquis

 
sinilaban

tumutol

 

caisipan

 

upahang

 

jornalerong

 

nagpupulong

 

galang

 
paghigantihan
 

Arcenal

 

cagalitan

 

isinumpa


casing

 

catotong

 

naguing

 

gagalac

 
lamang
 
maipahahamac
 

aquing

 

sinaysay

 
mapapatay
 

mabuting