hacienda"
sinilabang tunay n~g nag si pag alsa.
Caya naisipan n~g upang tumahan
caguluhang ito nasabing general,
ang tanang tagalog na may carunun~gan
at caunting yaman bigyang catungculan.
Caya n~ga't inipon si Roxas, Vismanos,
Ascarraga't Tuason, Gonzalez na lubos,
Padilla't Esquivel, si Calderong bantog
saca si Icasa pauang filipinos.
Sila hindi iba ay cusang nahalal
"vocales civiles" na puno sa bayan,
saca n~ga sinunod ang ilang cabanghay
niyong cay Regidor "reformas" na tanan.
Dito na naghalal sa corte n~g Madrid
n~g isang Comision sa nag-uusig
nitong si Regidor na di naiidlip
tayong calahatan mapaiguing tiquis.
Caya ang Ministro de Ultramar noon
ay siyang namuno gayong pagpupulong,
at ang m~ga vocal sa ganitong layon
m~ga generales na ualang caucol.
Na sina Orosco, Saportillang tunay
Gandara at sina Ochoteco naman,
Coballes na pauang coroneles lamang
Rodriguez, Bona't Pillon iba pang capisan.
Ang pulong na ito pauang nag caisa
at pinaayunan ang tanang "reforma"
nitong si Regidor na capisan nila
gayong pag-uusap sa guinauang junta.
Caya n~g matapos itong pag-uusap
dito sa Maynila'y pinahatid agad
niyaong capulun~gan sa Madrid na hayag
ang naguing pasiya n~g upang malutas.
N~guni sa sama din n~g pamamahala
n~g Gobierno rito'y isinalamuha
sa "junta" n~ga rito yaong fraileng madla
uala n~g inimbot cundi ang masama.
Dina naalala itong ating Burgos
doo'y isinama't cusang inilahoc
caya sa uala rin dito'y napanuod
na "caliuanagan" tanang filipinos.
Sa gayong nangyari yaong caguluhan
dito sa Maynila, Bulacan at Tan~guay
Silan~ga't iba pang m~ga lalauigan
ay lalong lumubha apuy ang cabagay.
Ang man~ga pinuno't tanang autoridad
dito sa Maynila'y nagulong cagyat
caya napatulong sa loob na tapat
n~g m~ga tagalog may dunong na in~gat.
N~g upang maampat cusang mapatiguil
caguluhang ito na ualang cahambing
caya sinunod na ang lahat n~g hiling
n~g tanang tagalog may dunong na tambing.
Si Padre Gomez n~ga ang siyang guinaua
comisiong nahalal cusang papayapa
sa cay Camerino na naghimagsic n~ga
sa bayan n~g Tan~guay, Imus na daquila.
N~g ito'y parunan niyaong Padre Gomez
ay hindi nalaon ang paghihimagsic,
dahil sa pan~gaco n~g autoridades
sa tanang tagalog na nag-alsang tiquis.
Caya ang "tratado" biglang pinirmahan
sa bay
|