iyang
iniibig n~g binibining ating aagawin.
--iAh!...
--?Alam mo kung sino ang bagongtaong iyon at kung bakit iniwasan ko
ang ako'y kaniyang makilala? Iyon ang dati kong kasamahan sa pagaaral;
iyon ang anak n~g maawaing nagampon sa akin.
--iOh!
--N~gayo'y kapanahunang dapat kong bayaran sa kaniya ang malaki kong
utang na loob.
--Kapitan--ang biglang putol n~g matanda na napatin~gin sa dakong
Silan~gan--tila oras na, sapagka't ang talang bakero ay nakasipot na
sa Silan~ganan at ang ating m~ga kasama marahil ay nan~gagaantay.
--Tunay.
Nang masabi ang gayon ay nagtindig ang dalawa sa pagkakaupo at
nan~gagsilakad na tinun~go ang bayan.
* * * * *
Wala pang ika apat n~g magmamadaling araw.
Sa bahay ni tininting Moneng ay malaki ang kaguluhan; ang m~ga bataan
ay hindi halos magkamayaw sa pagmamadalian, sa pagaayos, dahil sa n~g
araw na iyon ikakasal ang anak na dalaga n~g mayamang matanda at ang
magiging asawa kahit kasingulang n~g ama ay siya namang pinakapan~gulo
sa yaman sa bayang iyon. ?Papanong hindi malaki ang handa at marami
ang magsisidalo?
N~guni't sa gitna n~g kaguluhang iyon, ang tan~ging tahimik ay ang
silid na kinalalagyan n~g dalagang ikakasal.
?Nalutulog pa kaya?
Ito ang ating alamin.
Sa silid ay walang tao kundi si Benita lamang at siya'y nakaluhod
sa harap n~g isang larawan n~g Ina n~g Dios, at doo'y nanalan~ging
kasabay ang isang timping panaghoy.
Makaraan ang sandali ay nagtindig at tinanaw ang isang orasang na sa
tapat n~g pintuan.
--iSandali na lamang!--aniya at nalugmok sa isang uupan--Sandali na
lamang at ang mapait na taning ay matutupad na. iAy ina ko! Kung ikaw
ay buhay ay hindi ko disin sasapitin ang magkaganito na mapapakasal sa
isang taong kinasusuklaman.
Masabi ang gayon ay lumapit sa isang _mesa_ na kinapapatun~gan
n~g isang _botellitang_ may laman, isang _tintero, pluma_ at
_papel_.
Umupo sa piling n~g dulang at itinitik sa kaharap na papel ang
ganitong talata:
"Huwag ninyong sisihin ang sino man n~g dahil sa aking pagkamatay, sa
pagka't walang may kagagawan kundi akong mag-isa lamang.
"Hindi ko maamin ang mapakasal sa taong kinasusuklaman.
"iAy Enrique!
"Sa kabilang buhay na kita mag-isang puso. "Benita".
Matapos maisulat ang gayon ay sinungaban n~g nan~gin~ginig niyang
kamay ang botellitang may lason.
N~guni't n~g nasasabibig na ang labi n~g botella ay may nadin~gig na
kaluskos sa nakalapat na durun~ga
|