FREE BOOKS

Author's List




PREV.   NEXT  
|<   3   4   5   6   7   8   9   10   11   12   13   14   15   16   17   18   19   20   21   >>  
Mayo, arao n~ga nang catacatacang pagbabalic niyang loob sa Dios. Sa arao nang camumul-an ay magcocomulgar, at sa boong siyam na arao, ay magpapacapilit magin~gat sa anomang pagcacasala nang marapat sa ating Pan~ginoong Dios ang caniyang hinihin~gi. Arao arao ay darasalin ang unang _Panalan~gin_ at aacalain sa loob at gunamgunamin, na siya,i, humarap sa casanto-santosan Trinidad; at saca isusunod ang icalaua na natatala sa ibaba sa balang isa,t, isang arao, at cun matapos ay man~gadyi nang tatlong _Ama namin_ at tatlong _Aba Guinoong Maria_, puri at dan~gal sa Santisima Trinidad na sininta nang totoong pagninin~gas nang puso ni san Agusting Ama natin, at saca isa pang _Ama namin_ at _Aba Guinoong Maria_, puri at bunyi sa maliyag na alab at nin~gas nang caniyang dibdib. _Saca naman isusunod na babasahin ang man~ga touang dalit na nasa cauacasan nito_. NOVENA SA MALOUALHATING AMA,T, DOCTOR AT ILAO NANG SANTA IGLESIA NA SI =SAN AGUSTING AMA NATIN=. _Cun macapagmula nang mag_ Ang tanda nang Santa Cruz _at macapag_ Pan~ginoon cong Jesucristo, _ay babasahin itong_ Panalan~ging _masusunod at oolitin din sa arao arao_. PANALANGIN SA ARAO ARAO. Sa harapan mong camahal-mahalan, Pan~ginoong macapangyayari sa lahat, iisa sa pagca Dios at tatlo sa pagca Personas; ay ipinagpapatirapa co yaring caabaan co at ang hiling co,t, nasa, ay ang balang nang panimdimin, gaui,t, uicain co dito sa pagnonovenas na ito,i, paraparang maoui,t, mahinguil sa pagpupuri,t, pagdaran~gal sa Iyo. At sapagca naquiquilala co,t, natatalastas ang pagcababa, pagcamura,t, pagcaualang halaga nang man~ga gaua co, ang tica co,t, nasa ay ipaquisama,t, ilangcap sa man~ga ualang hangang carapatan at Pasiong camahal-mahalan nang aquing Pang~inoong Jesucristo, at nang mahugasan nang caniyang mahal na dugo ang aquing caloloua, luminis at mauala ang dilang libag nang casalanan at man~ga pitang masasama. Inilalangcap co nama,t, pinipintacasi ang man~ga carampatan nang calin~gas-lin~gas na Virgeng si Guinoong santa Maria, at nang calahat-lahatang angeles at santos; at ang bucod cong pinipintacasi ay ang Ama cong liniliyag na si san Agustin, at ang ampon niya,t, saclolo ang ninanasa co,t, hinahan~gad dito sa pagnonovenas na ito. At yayamang icao, Santo,t, Ama cong minamahal, ay naguing arao na nagpaunaua at nagpaliuanag sa boong sang mundo nang calalim-lalimang misterio nang Santisima Trinidad doon sa labing limang guinaua mong libro; at ang pu
PREV.   NEXT  
|<   3   4   5   6   7   8   9   10   11   12   13   14   15   16   17   18   19   20   21   >>  



Top keywords:
Guinoong
 

Trinidad

 
caniyang
 

Santisima

 
tatlong
 
balang
 
isusunod
 

Jesucristo

 

camahal

 

mahalan


pagnonovenas

 

babasahin

 

aquing

 

pinipintacasi

 

Panalan

 

ginoong

 

pagdaran

 

pagcababa

 

natatalastas

 

naquiquilala


sapagca

 

calalim

 

pagcaualang

 

ualang

 
hangang
 
ilangcap
 

ipaquisama

 

pagpupuri

 

halaga

 

pagcamura


paraparang

 
limang
 
labing
 

yaring

 

guinaua

 

Personas

 

ipinagpapatirapa

 

caabaan

 

hiling

 
lalimang

carapatan
 
misterio
 

panimdimin

 

uicain

 
mahinguil
 

nagpaliuanag

 

hinahan

 

ninanasa

 

saclolo

 
yayamang