ALAUANG PANALANGIN
SA ICAPITONG ARAO.
iAy Jesus! Dios na totoo,t, Maestro nang tanang sarisaring cabanalan,
na inilagay mo,t, inihalal dini sa ibabao nang lupa ang aquing Amang
san Agustin, dili nang pamahayan nang lahat na man~ga cabanalan
lamang, cun di nang alaga,t, diliguin (at parang totoong arao) ay
palagoin pa naman niya ang man~ga cabanalan sa halamanan nang santa
Iglesia, at magacay siya,t, manogot sa pitong puo,t, limang Religion,
na umaalinsunod sa liuanag nang caniyang casanto-santosang Regla at
aral nang totoong pagpapacaruc-ha, pamimintuho at pag-iin~gat sa
cahalayan; ang idinaraing co sa iyo, Pan~ginoong co, ay ang itanim mo
sa caloloua co ang lahat nang cabanalan, at nang cun aco,i, maguing
duc-hang totoo sa loob, at mapagin~gatang co ang dilang cahalayan, at
masunod co ang man~ga utos mo, ay maguing dapat pamahayan ang puso co
nang Santisima Trinidad. At sa iyo, casanto-santosang Patriarca,
dumaraing naman aco, at dumadalan~gin na aco,i, anaquin mo, di man aco
dapat, at ipagcaloob mo sa aquin ang hinihin~gi co dito sa novenas na
ito, sampon nang icao rin ang parating maguing panogot, paraluman at
Maestro co, at nang sa tulong nang iyong liuanag tontonin nang
caloloua co, na houag ding masinsay, ang itinuro mong daang cabulusan
sa Lan~git. Siya naua.
ICALAUANG PANALANGIN
SA ICAUALONG ARAO.
iAba Pan~ginoon at mananacop sa amin! na nagbigay cang pasunod sa Ama
cong san Agustin, nang tularan niya ang manin~gas mong pagcaibig sa
man~ga caloloua, at caya inibig niyang minahiguit ang mamatay siya,
houag lamang niyang maquitang hinahamac ang man~ga tantong dapat
igalang na man~ga casangcapan sa Simbahan, at houag mapanood nang
maibiguin niyang mata ang libuti,t, pag-itanan nang caganiran nang
man~ga ereges ang man~ga obejas niyang caual, at pinagcalooban mo rin
siyang maglin~gid nang caniyang liuanag, at mamatay nang magpanibagong
mabuhay sa lalong mabuting lan~git, at pinagpala mo siya sa
caloualhatian nang Lan~git, at isiniping mo sa man~ga Apostoles, ayon
sa napahayag sa isang mahal at santong Obispo, at doo,i, nagbibigay
siyang dilag sa ibang man~ga Santos, ayon sa naquita ni santa
Gertrudis: Ay pagcalooban mo naman aco, Pan~ginoong co, nang totoong
pagcaibig sa man~ga capoua co tauo, at ipagcaloob mo namang manatili
sa tunay at totoong pananampalataya, at sa boong pagsunod sa santa
Iglesiang Ina namin, itong caharian at ang sangcacristianohang bayan.
At icao naman, mahal cong Amang sa
|