FREE BOOKS

Author's List




PREV.   NEXT  
|<   10   11   12   13   14   15   16   17   18   19   20   21   >>  
hangan. Siya naua. ISA PANG PANALANGIN SA CATAPUSANG ARAO. iAba balon nang carunun~gan! maestro nang Teologia, ilao nang man~ga man~ga-n~garal, Doctor nang man~ga Doctor haligui nang santa Iglesia, calasag nang pananampalatayang cristiano, tabac sa man~ga croges. iAba Agusting bulaclac nang man~ga matatalas na bait, at tauong inaralan nang Dios! na cun ihalimbaua ca sa man~ga Santos, icao ay casanto-santosan, at cun sa man~ga marurunong, carunungdunun~gan ca. Pacundan~gan doon sa graciang matibay at mapilit na ipinagcaloob sa iyo nang Pan~ginoong Dios, na tungmaos at nanaimtim sa puso mo na pinacalinislinis, at pinaui ang dilang caibigang lupang quinauiuilihan mo, at pinaliuanag ang iyong bait na pinaalis at pinapanao ang man~ga camaliang iquinalalabo, at minulat ang iyong man~ga mata nang mapanood mo,t, malasmasin yaong camahal-mahalang liuanag, at nang pagpacatulinan mong haboli,t, alinsunurin ang caban~gohan nang man~ga bagay sa Lan~git: aco,i, nagaamo-amo sa iyo, Ama co, at dungmaralan~gin na igauad mo sa aquin ang iyong camay, nang aco,i, macaahon dito sa man~ga casamaang quinabalonan co, at macapagbalic loob na totoo sa Dios co, at macapagsisi,t, macapagdusa nang tapat sa man~ga casalanan co. Pacundan~gan doon sa catamisan at biyayang calinalinamnaman na ipinamuti at ipinayaman nang Pan~ginoong Dios sa iyong caloloua, at pinagcalooban nang madlang catouaan, at guinilio nang maraming pagdalao niya sa iyong loob, na ga naaaninag at naquiquiniquita sa man~ga gaua mo: aco,i, nagaamo-amo sa iyo, Ama cong casanto-santosan, na idalan~gin mo aco sa Pan~ginoong Dios nang graciang icauiuili,t, icalalambot nang puso co,t, icatututo cong manalan~gin, at icaaalam co pa,t, icaquiquilala, na cun sino aco at cun sino siya, at ang pagca dapat paualang halaga ang lahat nang balang na, liban sa Dios. Pacundan~gan sa catacatacang pagcahusay, pagcacaayo,t, pagcariquitdiquit nang tanang man~ga cabanalan na ipinamuti sa iyo nang Pan~ginoong Dios, at alang-alang doon sa mahal na banaag na inihulog nang Pan~ginoong Dios sa iyong caloloua, at nang ihalal cang maestro,t, ama sa gayong caraming Religion sa caniyang santa Iglesia, aco,i, dungmaraing sa iyo, mapalad na santo cong Ama, na idalan~gin mo aco sa ating Pan~ginoong Dios nang graciang icatutupad at icaaalinsunod co sa man~ga ipinagpasunod mo, ihin~gi mo naman ang man~ga mahal na Religion na pinagpupunuan mo, na ang sinusunod baga,t, pinipintuho nila,i, ang Regla m
PREV.   NEXT  
|<   10   11   12   13   14   15   16   17   18   19   20   21   >>  



Top keywords:

ginoong

 

Pacundan

 

graciang

 

casanto

 

santosan

 

idalan

 

Doctor

 

maestro

 

ipinamuti

 

nagaamo


Iglesia
 

caloloua

 

Religion

 
icalalambot
 

icaaalam

 

manalan

 

icauiuili

 

icatututo

 
maraming
 

catamisan


biyayang

 

calinalinamnaman

 
casalanan
 

macapagsisi

 

macapagdusa

 
ipinayaman
 

pinagcalooban

 

naaaninag

 

naquiquiniquita

 

pagdalao


icaquiquilala
 

madlang

 
catouaan
 
guinilio
 

pagcahusay

 

icatutupad

 

icaaalinsunod

 

ipinagpasunod

 

caniyang

 

dungmaraing


mapalad
 

pinipintuho

 

pinagpupunuan

 

sinusunod

 
caraming
 

gayong

 

balang

 

catacatacang

 

halaga

 
paualang